The Soldier & I Book 2 AiTenshi June 26, 2018 Chapter 8: Pag subok "Ang ating bansa ay punong puno ng mga kaguluhan at mga kalaban na nag babanta sa ating seguridad. Walang naka titiyak sa ating kaligtasan ngunit gayon pa man, tayo ay gumagawa ng mga hakbang upang sila ay tapatan at wakasan. Ang Special unit o mas kilala sa tawag na SF ay isang espesyal na organisasyon at samahan ng mga mahuhusay na sundalo sa ating bansa. Nag simula ang organisasyong ito ilang taon na ang nakalilipas kung saan nag karoon ng malawakan pag sasanay at pag susulit sa bansang Cambodia. Ngayon ay muli naming binubuksan ang pintuan ng SF unit upang bigyan ng pag kakataong maging parte ang magigiting at talentadong sundalo dito sa ating bansa. Ngayon ay mas naging espesyal pa ang SF unit dahil buk