The Soldier & I Book 2 AiTenshi June 26, 2018 Chapter 9: Pag susulit FLASH BACK COMMANDER: Maligayang pag dating dito sa Cambodia. Marahil alam niyo na kung bakit kayo nandito ngayon. Ang ilan sa inyo ay walang experience sa pag susundalo, ang ilan naman sa inyo ay naparito lamang upang kumita at makatulong sa pamilya sa Pilipinas. Ang ilan naman sa inyo ay nandito lamang dahil trip nyo lang. Pwes lahat ng iyan ay babaliin natin dahil kayong lahat ay naparito upang mag alay ng dugo pawis para sa kapayapaan!! 280 na application form ang aming natanggap ngunit 70 lamang ang nakapasa batay na rin sa mga impormasyon na naka sulat sa inyong papel. Mula ngayon ay tinitiyak mag iiba na ang takbo ng inyong buhay dahil huhubugin namin kayo bilang isang mahusay na mandirigma at matap