The Soldier & I Book 2 AiTenshi "Nagustuhan nyo ba? Ito ang simula ng Metal War!" ang sigaw ni Palma sabay bukas ng kanyang damit. Dito ay lalo kaming napanganga noong makita namin ang katawan ni Commander Palma. Robot na ito at punong punong metal. Naka ngisi itong lumakad sa aming harapan hawak ang kakaibang sandata.. At sa kanyang likuran ay nag simulang kumilos ang mga higanteng robot na armado rin ng malalaking sandata.. Chapter 42: Metal War 2 Nag simulang kumilos ang mga higanteng robot patungo sa amin. Apat ito at lahat ay may dalang malalaking armas na itinutok nila sa amin. Nag simulang umilaw ang kanilang hawak na armas at walang ano ano ay umatake sila. Bratatatatat!!!!! Umulan ng bala sa buong paligid.. Ang aming hukbo ay nag tatakbo