The Soldier and I Book 2 AiTenshi Aug 17, 2018 Natawa si Palma at pinitik nito si Ed sa ulo. Tumilapon si Ed at dumugo ang kanyang noo. Halos tatlo kaming bumulagta sa kamay ng kalaban. Mukhang habang tumatagal ay pahirap ng pahirap ang aming sitwasyon. Pilit kong iginalaw ang aking braso ngunit wala na itong pakiramdam. Marahil ay namanhid na dahil sa matinding sakit. Naramdaman ko nalang na tumilapon ang aking katawan sa tabi ni Bryan na noon ay wala na ring malay. Chapter 43: Walang Hanggang Digmaan "Kung naki ayon kayo sa aming mga nais edi sana ay pare pareho tayong masaya. Walang masasaktan at walang mamatay. Kayo naman kasi, pakikisama lang ang nais namin ay hindi niyo pa maibigay." ang wika ni Palma habang pinupulot ang kanyang armas Lumakad ito patungo s