The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 27, 2018 Chapter 33: Lupain ng Kabiguan Paulit ulit nag babalik sa aking isipan ang mga desisyon na aking ginawa sa mga nakaraan. Ang lahat ng iyon ay ang bumago ng takbo ng pamumuhay sa aking hinaharap. Parang isang baril na kapag kinalabit mo ang gatilyo ay lilipad ang bala at kung may matamaan ito ay tiyak na mag babago ang lahat para sa kanya dahil maaari siya mabuhay pa o mamatay na. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatanaw sa kawalan. Ang aking katawan ay naka lubog sa tubig ngunit ang nakapag tataka ay nakakatagal ako sa ilalim nito. Patay na ba ako? O baka naman nananaginip lamang ako ulit? Habang nasa ganoong posisyon ay naramdaman ko nalang na may humila sa a