The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 25, 2018 Chapter 32: Armas at Teknolohiya "Anong plano mo pag katapos ng misyong ito?" tanong ni Manong Hence kay Ed habang lumilipad kami patungo sa isla. "Siguro ay lalagay na ko sa tahimik. Too much giyera na ito para sa isang baklang kagaya ko. Mas magiging winner siguro ako sa parlor at salon, o kaya ay mag dedesign ako ng mga gowns para sa mga isasagala sa flores de mayo." sagot ni Ed. "Kayo? Anong plano nyo?" "Ako? Ipapasyal ko sa ibang bansa ang asawa at anak ko. Tapos ay mag papa assign nalang ako sa opisina para gumawa ng mga paper works." sagot ni Manong Hence "Babalik ako sa Cambodia upang mag training. Siguro ay habang buhay na akong mag susundalo." sagot ni Francis "Eh paano tayo? Ayaw mo b