The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 24, 2018 Chapter 31: Para sa Hinaharap "Dyan! Dyan sa Heat Metal Chuchu Island tayo mamatay! Feeling ko lang ha magagaya tayo kila Sailormoon na matitigok sa pag liligtas sa mundo." ang pag mamaktol ni Ed habang nasa loob kami ng opisina "Hindi lang naman tayo ang pupunta doon dahil marami tayong back up na iba't ibang batalyon ng sundalo sa iba't ibang bansa. Ang adhikain natin ay ishut down ang Heat Island dahil mapanganib na ito." sagot ko naman. "Natatakot ako." ang malanding sagot ni Ed sabay yakap kay Francis. "Natatakot ako para mga anak natin." dagdag pa niya dahilan para mapangiwi kami. "Kung may mga anak kayo, malamang ay mga tiyanak iyon. Tabi ka nga dyan" ang hirit ni Bryan sabay upo sa harap ng monitor. "Parang na