The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 23, 2018 Chapter 30: Heat Island "Ipinapaayos ko na ang pangalan ni Angelo. Ilalagay ko ang dela Rosa sa apeliyido niya para hindi kana ulit mag inarte kapag tungkol sa karapatan ng bata ng usapin." ang wika ni Bryan habang nag ddrive pauwi. "Sana noon mo pa ginawa iyan." ang sagot ko naman habang hawak ng kumpol na bulaklak na kanyang ibinigay. "Eto nga pala. Ipinabibigay ni Ysa. Noong makita mo siya ospital hawak ang isang kahong cake ay hindi ako ang pakay niya kundi ikaw. Nais ka niyang makausap upang linawin na wala talagang naganap sa amin sa kwarto. Bago sana siya bumalik sa Cambodia ay nais ka niya maka kwentuhan kaso ay nag inarte ka na parang isang babaeng inaagawan ng kasintahan." ang wika ni Bryan sabay abot ng isang usb s