The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 17, 2018 Chapter 24: Mapaglarong Apoy Sumapit ang araw ng Sabado, nag handa na kami sa aming operasyon. Kahit papaano ay sumama pa rin sa amin si Ed kahit nag karoon kami ng hindi pag kakaunawaan noong nakaraang araw. Malaki ang resort na pag dadausan ng naturang event at okupado ng aming grupo ang pinaka malaking espasyo sa loob nito. "Sa special room magaganap ang s*x party ng mga BB gang, ang espesyal na lugar na iyon ay malaki, may sariling swimming pool at kasya ang 20 hanggang 30 katao. May kamahalan ang pag upa sa silid na iyon kaya't inaasahan na maraming security ang nasa paligid." ang paliwanag ko "Papasok kami ni Ed sa loob at mag papanggap na guest. Bigyan mo ako ng signal kung mag sisimula na ang operasyon." "Pipilitin ko