The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 18, 2018 Chapter 25: Ang Pangako ni Bryan Breaking News: Timbog ang dalawang grupong gumamit ng ipinag babawal na gamot sa ginawang entrapment operation ng SF unit sa tulong na rin ng mga alagad ng batas. Ang unang grupong nahulihan ng maraming gramo ng m*******a ibang gamot na pampasigla ay ang BB gang na nag sasagawa ng isang party sa isang pribadong resort. Nag karoon ng palitan ng pag atake sa pagitan ng mga suspek at kapulisan. Napag alaman na ang ilang miyembro ng BB gang ay kawani ng gobyerno, mga pulis at sundalo na nag hahanap ng kakaibang kaligayahan. Samantala kalaboso rin ang mga kabataang gumagamit ng ipinag babawal na gamot. Ang mga ito ay pawang mga nasa junior pa lamang at ang iba ay tinatayang menor