The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 3, 2018 Chapter 15: Lugar ng kaligayahan Halos inabot ng isang linggo ang aming pag plano para sa operasyong pag dakip sa mga baklang terorista na nanloloob sa malalaking gusali sa iba't ibang bayan. Katulad ng napag usapan, si Ed ang magiging Spy at lalahok sa contest upang maging parte ng naturang grupo. Kami naman ni Manong Hence ang mag papanggap na waiter at sina Bryan ang magiging macho dancer, lahat ng ito ay aming gagawin upang maging maayos ang entrapment operation. "Eh paano kung mabuking ako? Saka ilang oras ba ang itatagal ng tabletang iyan na gawa ni Tufeng?" ang tanong ni Ed "Ang sabi niya sa akin ay tatagal ito ng tatlong oras o higit pa ngunit kapag umihi kay mawawala agad ang epekto nito." paliwanag ni Turalba "So