The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 5, 2018 Chapter 16: Sa Ngalan ng Kagandahan Nag pasiklaban ang mga nag gagandahang beki sa itaas ng entablado, ang lahat ay babaihan ang dating, mahahaba ang mga buhok, may kurba ang katawan at may boobs na pilit binibigyan ng eksena upang mas madaling mapansin. Matapos ang mala miss universe na production number ay isa isang nag pakilala ang mga kalahok. Nakatapos ang 10 candidate ngunit hindi ko pa rin malaman kung nasaan si Ed, masyadong magaganda ang beki sa entablado kaya imposibleng ma achieve ni Ed ang ganoong level. Samantalang si Jessie Gay naman ay naupo sa kanyang trono habang mahinhing pumapalakpak sa mga kandidata. Sa kanyang tabi ay kanyang mga galamay na todo ang paypay at suklay sa kanya napagka habang buhok. Emcee: An