GUMUHIT ang ngiti sa labi ni Raven habang pinagmamasdan ang bahay ng kaniyang mga magulang. Wala na roon ang kaniyang madrasta at si Olivia. Wala na ring gamit na itinira ang mga ito. Lahat ng lumang gamit na puwede pang pakinabangan ay dinala na ng mga ito para magamit sa bagong bahay na nilipatan. Pakiramdam ni Raven ay ganoon talaga kawalang-wala ang mag-ina dahil walang itinirang gamit sa bahay na iyon. “Puwede ko na sigurong makita ang loob,” ani Raven kay Andrea na kasama niyang lumabas sa bahay ng mga ito. “Puwede na. Wala na naman ang mag-ina. Bukas ay sisimulan naman ang paglilinis ng buong bahay at ng buong paligid. Bukas darating ang team na magtatrabaho sa bahay mo, Ate Raven, para maging bagong-bago ulit tingnan.” “Salamat, Andrea, sa lahat ng tulong.” “Huwag ka ng magpas