INALIS ni Raven ang suot niyang salamin sa mata at itinabi sa dala niyang sling bag. Kumunot pa ang kaniyang noo ang mapagsino ang taong dumalaw sa puntod ng kaniyang mga magulang. Nasurpresa siya nang makitang naroon ang ama ni Lhorde sa sementeryo. Pero ano ang ginagawa nito roon? Kamatayan ng kaniyang ama nang araw na iyon kaya dadalawin niya ang kaniyang ama. Humigpit pa ang kapit niya sa dalang bungkos ng mga bulaklak para sa kaniyang ama’t ina. Huminga muna siya nang malalim bago naglakad papunta roon. Nakapagtataka lamang na wala siyang nakitang bodyguard na kasa-kasama ng isang Francis Ellison. Siguro ay mag-isa lang itong pumunta roon. “Ano po ang ginagawa ninyo rito?” hindi niya mapigilang itanong nang makalapit sa nitso ng kaniyang mga magulang. Nasurpresa pa ang ama ni Lho