"Ella?!" Di makapaniwalang bulalas ko habang nakatutok parin ang baril sa kanya. Namilog ang kaniyang mga mata at tila na estatwa. "Anong ginagawa mo dito?!" muli kong tanong. Subalit wala paring salita ang nagmula sa kanya. tikom parin ang kanyang bibig at nag-iba ang expresion sa kanyang mukha at hindi inaalis ang mga mata sa'kin. "Isa ka rin ba sa mga babaeng nagbebenta ng aliw dito?! Kaya ka ba umalis sa'kin, dahil mas gusto mong mag-bigay aliw kung kani-kanino!?" hindi makapaniwalang saad ko. Biglang nag-salubong ang kanyang kilay bago binuka ang bibig, "Huhulihin mo rin ba ako, dahil masama akong babae? "Bumalik ka sa'kin. Marangal naman ang pagiging kasambahay, kesa ang- ang ibenta mo ang sarili!" pangu-ngumbinsi ko sa kanya. "Hayaan mo na ako. Tsaka umalis kana dito-" di