Paliit ng paliit ang mundong ginagalawan namin ni Marco. Ngayon tadhana na ang nagtatagpo ng landas namin at tila isang pahiwatig na burahin ko na siya sa mundo. Ngunit sa tuwing pagtatangkaan ko ang buhay niya, ay lumalakas ang pintig ng puso ko. Tila may pumipigil sa'kin na h'wag ituloy. "Senyorita. ." nilingon ko ang pinto nang tawagin ako ng isang tauhan ni dad. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama, at pinagbulsa ito ng pinto. "Bakit?" "Pinapatawag po kayo ni Rocco." Aniya. Tumango lamang ako, at tuluyang lumabas ng silid. Habang hinahakbang ko ang mga paa, patungo sa kinaroroonan nila, Rocco, ay tila nasusugatan ako sa mga titig ni, Lucille. Habang si Rocco ay may kausap sa telepono. Napatingin siya sakin nang akoy makalapit. "Masusunod. Ahh. . Lord, Narito na si Senyo