"How about this, babe?" turo niya sa isang gown na nasa magazine. Napa-nguso ako, hindi dahil sa pangit ito, kundi sobrang ganda ngunit papangit kapag sinuot ko, "Babe, hindi babagay sa'kin ang ganyang kaganda na wedding gown. Halata na ang tiyan ko, lalo na kapag sinuot ko 'yan, edi nag-mukha akong budha," "Sinong nag-sabi na hindi bagay? Alam mo, babe, kahit anong klaseng damit na isusuot mo, babagay sayo." kumindat-kindat pa siya nang sabihin ito, "Bola, ka!" kunwari naasar ako but deep inside kinilig ako. Hindi ko nga alam sa tuwing pakiramdam ko na binobola niya ako, ay kinikilig ako. Ang weird! "Seryoso. Kaya, kapag nasa office ako, laging nasa isip ko kung ano ang suot mo, at alam mo ba? Kapag naisip ko 'yon?" "Ano?" "Uwing-uwi na ako," nag-katinginan kami at sabay na nag-t