Matapos ang sagutan namin ni Lucille, ay hindi na kami nag tagal sa bahay. Lingo-lingo pala kung pumunta sila Rocco sa bahay upang kumuha ng mga balang nakatago sa sekretong underground ng bahay. Na kahit na sino ay hindi ito mapapansin. Napag alaman ko rin na nasa malapit lamang ang pinagtataguan nilang hide out. Marami raw ang nalagas sa mga tauhan ni dad nang gumanti ang kampo ng mga Delmundo. "Senyorita Jella, sa kwarto ka muna ni Lucille," aniya bi Rocco "No!" Sabay naming nilingon si Lucille, na ngayon ay hindi Maipinta ang mukha. "Lucille!" saway ni Rocco. Tinaas niya ang kilay tila nagmamaktol na bata, "Rocco, h'wag mong sabihing magtatabi kami sa kama?!" "Siya muna sa kwarto mo," mahinahong saad ni Rocco. "Tapos ako?!" "Dun ka muna sa kwarto ko. Sa sala na muna ako