I can't imagine na sa isang iglap ay naibigay ko ang sarili sa kanya. Ang dating pinandirihan ko, at ang anak ng mortal na kaaway ng pamilya ko, ay siya pa ang unang lalaki na nakakuha sa p********e ko. Takot. Takot ang nararamdaman ko. Nagpadala ako sa emosyon at tawag ng laman. "Kaya ba binigay mo ang sarili mo sakin, para payagan kitang umalis?" Kyuryusidad niyang tanong. Hindi ako makasagot sa tanong niya. Hindi naman yun ang dahilan ko, pero lumampas ako sa boundary. Mabilis akong bumangon at kinuha ang mga damit na pinag hubaran. Isa-isa kong naisuot at walang pasubaling tumayo. Ngunit napangiwi ako nang maramdamang kumirot ang maselang bahagi ng katawan ko. Ngunit pinilit kong ihakbang ng maayos ang mga paa upang makalabas sa silid na ito. Nahihiya ako sa sarili ko. Oo pareho k