Nang matanggap niya ang isang mensahe mula kay Jessica ay natawa si Sam at binalewala yon. Kahit kailan ay pilya talaga ang babae at hindi nagtanim ng galit sa kanya. He made a note on his mind na kausapin si Patrick tungkol sa anak nito. Masyado na itong sutil at agresibo. Hindi tama para sa isang disi-otso anyos na babae. Nag-roving sila ng mga tauhan niya sa buong farm upang tingnan kung may sira ba sa mga bakod. May natanggap kasi siyang report mula sa kabilang bayan na laganap raw ang nakawan ng mga kabayo at baka sa mga farms doon. Diumano'y mga propesyonal sa ginagawa ang grupo ng mga bandido kaya naisip ni Sam na manigurado. “Marcus, nakita moba ‘yon?” Itinuro niya ang putting kabayo na malakas ang takbo papasok sa kakahuyan malapit sa kanyang lupain. Hindi niya maaninag kung bab