“Aaahh! Major is f*****g major!” malakas na sabi ni Ivy nang matapos ang major subject naming Marketing Management. “At least major natin ay nagpapa-major talaga. Hindi iyong feeling major kahit minor subject naman...” sabi ko sa kanilang dalawa. “Ay, totoo!” malakas na sabi nila sa akin. “Liana! Liana!” Napatingin ako sa likod namin nang marinig ko ang boses ni Daniel, ang Mayor namin. “Bakit?” takang tanong ko sa kanya. Sinukbit ko na ang backpack ko. “Nagtext sa akin si Prof. Hayes, pinapatawag ka sa faculty department.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. “M—may number ka ni Prof. Hayes?” takang tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “Oo, ako ang nagdala ng gamit niya kahapon. Hiningi ko ang number niya for purposes, binigay naman niya.” Napa-blink ako nan