DUMATING na rin si Prof. Hayes kasama ang Angelica na nakita ko kanina. Nilapag ng Angelica na iyon ang bag na bitbit niya at umalis na rin, sarap patirin ng gaga! Bumati na ang mga classmates ko, pero hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. “Huy, nakatingin sa iyo si Prof. Hayes,” bulong ni Ivy sa akin at binangga ang aking braso. I rolled my eyes to her. “Donʼt mind him.” Nilabas ko na lamang ang book ko sa Taxation at nag-self study ako. Hindi ako nakikinig sa class niya. Galit ako, kahit wala kaming level. Nangako siyang ako ang susundo sa kanya today, pero hindi niya ginawa iyon. Kaya hindi ako titingin sa kanya, baka mawala ang galit ko kapag nakita ko ang mukha niya. “Thatʼs it for todayʼs class! See on Friday!” Narinig ko na ang malakas na boses ni Prof. Hayes. Tapos na ang two ho