SUNDAY, afternoon, hinihiritan pa rin ako ni Cara about sa password ng WIFI, hindi pa rin niya nakukuha ang password. Bobita talaga siya. Tungkol naman sa kanya ang password. Hindi ko siya pinansin. Nakita ko kasi kanina kinakausap siya ni aling Dinday, paano naman kasi sarado pa rin ang pisot net niya ngayon. Kaya sure na talaga akong sa amin sila naka-connect. Hindi rin pala natuloy kagabi ang live selling namin ni Pauline. Malakas na umiiyak si Cara dahil nga sinabunutan siya ng Mama niya dahil sa pagbebenta niya ng internet connection namin. Kaya pinostponed namin, maririnig iyong iyak niya kaysa sa pagsasalita ko sa live selling. “Ate Liana, sure ka po bang ngayong tanghali tayo magla-live selling? Maingay sa labas,” tukoy niya at sumilip sa bintana namin. “Okay lang iyon, hindi na