DECLAN POV NAKATUTOK ang aking tingin sa laptop ko habang tinitignan ang monthly sales ng aking wine business. Nagiging number one na muli ako sa Winery business, nauunahan ko na muli ang Treasureʼs Wine. “Ugh, f**k! But, hindi dapat ako ma-kumpyansa ngayong buwan. Paniguradong babawi sila next month!” Napasandal ako sa swivel chair at hinilot ang aking sintido para ma-relax ang aking isipan ngayon. Need kong mag-isip ng bagong concept and bagong flavors ng wine ko. Pero, hindi ko dapat magaya ang strategy ng Treasureʼs Wine. Heto ang mahirap kapag maraming kakumpitensya. Tangina! Sumasakit ang ulo ko katitingin sa laptop. I need to do something bago muli mag-work. I saw my phoneʼs light, dinampot ko iyon at nakita ko ang name ni mom. Here we go again. Mom: Declan, I will introduc