NAGHINTAY muli kaming almost one hour dito sa classroom pero wala ulit na dumating na professor namin sa Taxation. Meaning nag-sinungaling na naman si Sir Coby kay Ivy. Kaya nagpasya na ulit ang Mayor namin na mag-lunch break na kami. “Wala na naman,” nakangiwing sabi ko kay Ivy. Nakita ko ang inis sa mukha niya. “Argh! Nakakainis! This is second time! Nilandi ko pa nga siya para malaman ang tungkol dito!” sabi niya sa amin. “Sir Coby? Ivy, matagal ng may pantasya sa iyo iyong Prof. na iyon! Baka nagpapakitang gilas lang siya sa iyo!” sabat nitong si Amira. Tumango-tango ako sa kanya. “Iyong sinabi ba niyang na-contact niya si Prof. Santos, nagsend ba siya ng evidence sa iyo, Ivy?” tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at kumiling ang ulo niya pa-kanan. “H—hindi. Hindi nga! B