“TITA CAROL, tapos na po akong maghugas ng pinagkainan po natin, aakyat na po ako sa kʼwarto namin,” sabi ko kay tita Carol nang makita siyang nakaupo sa may sofa at mukhang nagbibilang ng kinita niya ngayong araw sa may palengke. Tinaas niya ang kanyang kamay at pinapaalis ako. “Oh, siya matulog na kayo, may pasok pa kayo bukas. Friday na bukas, maaga kayong magising, ha? Araw ng Quiapo bukas!” sabi niya sa akin. “Alam ko po,” sagot ko at umakyat na ako sa itaas. Kapag araw ng Quiapo ay asahan mong traffic dahil maraming nagsisimba, panata na iyon ng mga tao. Wala tayong magagawa. Saka, minsan nagsisimba rin ako roon, naniniwala ako kay Black Nazarene. Saka kanya-kanya paniniwala ito, paniniwala ko ito kaya huwag kang mangialam. Umakyat na ako sa kʼwarto namin, nakita ko si Pauline n