ISANG BUWAN muli ang nakalipas, nagiging boring na ang weekdays ko dahil sobrang busy ni daddy Declan. Ang dami niyang inaasikaso sa kanyang business, lalo naʼt may parating na items silang ilalabas ngayong month, wine in can with flavored. Iyon ang sinend niya sa aking phone kanina, na magiging busy siya sa buong month na ito, mabuti na lamang ay patapos na ang month na tinutukoy niya sa chat na ʼyon. Kaya binigyan ko siya ng space para maging comfortable siya sa pag—aasikaso sa business nila. Daddy Declan: Baby girl, susunduin kita later, ha? I love you so much! Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki nang mabasa ang chat niyang iyon. “Hoy, Liana, kinikilig ka na naman! Mamaya ka na kiligin dʼyan! Mag—review ka muna, may midterm pa tayo bukas, last midterm na natin iyon!” ungot n

