“LIANA, Iha!” malakas na sabi ni tita Divina nang makita niya ako. Malaki ang ngiting binigay ko sa kanya. “Good morning po, tita Divina and tito Charles. Sorry po sa sudden visit ko... Um, may dala po akong pagkain, sana magustuhan niyo. Ako po ang nagluto nito. Nalaman ko po kasing hindi kumakain ng lunch si Declan po,” sabi ko sa kanya at nilapag ito sa coffee table. Lahat ba ng office room ay may mini living room? “Wow, Iha! Ikaw ang nagluto nito? May magiging responsible akong daughter in law soon. Sinabi ba nila Jay sa iyo ang tungkol doon?” Binuksan niya ang takip ng dalawang lalagyan na dala ko. “Wow! Cordon bleu and sipo egg! Charles, tignan mo! Mukhang mapaparami tayo ng kain today!” malakas na sabi ni tita Divina at pinalapit pa niya si tito Charles. “I want to taste it,”

