“UM, HELLO, anong mayroʼn?” basag ko sa katahimikan na mayroʼn ngayon. Sobrang tahimik ngayon. Wala kang maririnig na ingay, simula ng dumating ako. “Ate, huwag kang maingay.” “Bakit hindi ako magtatanong, ha? Pinauwi mo ko para tumahimik? Eh, sino ba sila?” tanong ko sa dalawang lalaking nasa kabilang side. Napatingin sa akin ang lalaking nakaupo, kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. “T—Thatʼs the...” May tinuro siya sa akin kaya napatingin ako sa aking katawan. Nakita ko ang necklace na suot ko, hinawakan ko ito. Anong mayroʼn sa necklace ko ngayon? “Um, excuse me? Ano ba talaga kailangan niyo?” tanong ko sa kanila. I want a direct answer kasi may kung anong nararamdaman ako ngayon, na hindi ko maipaliwanag. “Ako si Mr. Leandro Marquez.” Nagpakilala siya sa amin. “Ikaw ang nawaw

