TWO weeks has passed. Sa two weeks na iyon ay sobrang natataranta pa rin ako, hindi pa rin ako makapag—isip nang maayos sa nakalipas na dalawang linggo. Kaya heto na ang dooms days ko, ngayon ang balik ni Mr. Marquez para dalhin at ipakita ang result ng DNA test na ginawa sa aming dalawa. Kinakabahan ako kung mag—positive ang result, paniguradong kukunin niya ako. “Ate, kinakabahan ka po ba?” Napalunok ako sa sinabi ni Pauline. “Um, yes. Magsisinungaling ako kung sasabihin kung hindi ako kinakabahan ngayon. Pero, kahit anong mangyari hindi kita iiwan, Pau, ha? Isasama kita kung mag—positive man ang DNA test mamaya, okay?” nakangiting sabi ko sa kanya. “Kinakabahan din ako, ate. Paano kung ayaw niya sa akin? Paano kung hindi niya ako isama sa inyo?” Pinahinto ko siya sa kanyang sasabih

