“IHA, aalis na kaming tatlo. Bukas ay babalik ako rito para kunin ka na... Donʼt worry, isasama natin ang tinuturing mong kapatid, ha?” Napangiti ako sa binulong ni daddy sa akin. “Thanks po, dad.” Hinawakan na lamang niya ang aking buhok at umalis na silang tatlo. “Hoy, Liana! Hindi mo isasama si Pauline kapag umalis ka sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo ba?” malakas na sabi ni tita Carol sa akin. Hindi ko siya pinansin at umakyat na lamang ako sa kʼwarto namin, kasama si Pauline, hinila ko siya. “Liana! Naririnig mo ba ako, ha! Huwag kang magbingi—bingihan dʼyan!” Naririnig ko pa rin ang boses niya, pero katulad ng dati hindi ko siya sinagot. Nakapasok na kami sa loob ng kʼwarto namin at ni—lock ko na iyon. Napaupo sa gilid ng kama ko at nalilito pa rin ako sa lahat ng nangyaya

