“PROF. Hayes!” malakas kong tawag sa kanya nang matapos ang class namin sa kanya. Ako ang nakakuha ng highest score kanina sa ginawang long quiz kanina. Hindi pa ako nakikinig sa kanya, ha? “What I can do to you, Miss Castro?” seryosong tanong niya sa akin. Tinaas ko muli ang lunch box na dala ko. “Lunch niyo po... Katulad ng sinabi ko sa text, bistek po ang ulam niyo. Sana magustuhan niyo, then, kukunin ko later ang lunch box muli,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Bakit ginagawa mo ito, Miss Castro?” mahinang tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “I want too, Prof. Hayes. May crush po ako sa iyo. Kaya tanggapin mo na po itong ginawa ko. Wala pong gayuma niyan... Ilang araw na ba aking nagbibigay sa iyo, right? May masama ba sa pagkain binigay ko? Wala po, ʼdi ba?” nakangising t