PANIBAGONG linggo muli para akitin si Prof. Hayes. Nagising success naman ako last week sa pagpapadala sa kanya ng food tuwing lunch break, pero need ko pang i-level-up ang aking pang-aakit. Kaya need ko na muling mag-isip sa madaling panahon lalo naʼt ilang linggo na ang nasasayang ko. Nalulungkot na ako dahil may two weeks na lamang ako para mapasagot ko si Prof. Hayes. Isang buwan and two weeks na lang siya bilang substitute Professor namin, pero sinabi ni Prof. Coby na two months daw siya kaya possible na nagsinungaling si Prof. Santos sa kanya, pero iyong bet namin ni Ivy ay may two weeks na lamang ako. Kaya kailangan ko ng mag-level up ng plano. “Ate, nagluluto ka na naman po? Always ka na pong nagba—baon ng pagkain, ha?” Nilingon ko nang saglit si Pauline at muling bumalik ang a