NAPAPIPIKIT ako nang makaramdam na ako ng hilo. Hindi na rin ako umiinom ng red wine at tanging sparkling water na lamang ang hawak ko ngayon. “Liana, hindi ka ba aalis dito sa table natin? Hindi naman ito mawawala! Pupunta kami ni Razel sa dance floor, sasayaw muna kami bago tayo umuwi, dalawang oras na lang before mag-one ng madaling araw!” malakas niyang sabi sa akin. Tinanguan ko sila at pinaalis sila. “Tsupi! Mag-enjoy ka!” malakas na sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at dinilaan ako. Napailing na lamang ako sa kanya. Kumain na lamang ako rito habang ang malakas na musika ay naiba, naging mas wild lalo kaya napatingin ako sa center stage, may nakikita na akong gumigiling sa mga lalaki ngayon. Napailing na lamang ako sa mga sumasayaw na ngayon at nag-focus ako sa pagkain k