NAKALABAS na rin kami sa bar, pero ang ingay na mayroʼn doon ay umaabot pa rin dito. “Iyong mukha ni Klein, alalang-alala sa iyo, Liana! Mukhang gusto kang sundan at kulitin kung ano bang mayroʼn at bakit nagmamadali ka!” Napalingon ako kay Amira dahil sa sinabi niya. “Makiki-tsismis lang ang isang iyon... And, he doesn't know the true state of my life, Amira.” Tumango siya sa aking sinabi. “We know, Liana. Pero, mukhang nahulog ang isang iyon sa iyo. Sapul dito, oh!” Tinuro niya ang kanyang puso. “Totoo! Kinulit ka ba niya?” Tinignan ko si Ivy at tumango. “Oo, nagulat nga ako nang dumating ako ay nasa table na siya muli, nakita niya sigurong balisa ako. Kaya nag-volunteer siyang ihatid ako sa amin. Pero, no way! Alam natin kung gaano ka-matapobre ang family niya!” Tinanguan nila a