NATAPOS na rin akong maghilamos, lumabas ako sa banyo na naka-terno silk pajama ako na kulay violet. Napahikab ako, nakakaramdam na ako ng pagka-antok, pero kailangan ko muna tignan muli ang temperature ni Pauline. Ako lang ang mayroʼn siya ngayon, at siya lang din ang mayroʼn ako ngayon. Kami na lamang magkapatid. Umakyat na muli ako sa kʼwarto namin at nakita kong gising pala siya. “Pauline, may masakit ba sa iyo?” nag-aalala tanong ko sa kanya at chineck ang kanyang noo, mainit pa rin siya. Umiling siya sa akin. “Ate, sorry po. Bigla na lamang ako natumba kanina nang matapos akong maghugas ng pinggan,” mahinang sabi ni Pauline sa akin. Pinantayan ko ang kanyang pʼwesto at hinaplos ang kanyang buhok. “Sshhh... Donʼt say sorry, Pauline. Ano bang ginawa mo, ha? Nakita ko ang items nati