“HUY, Liana, bakit nakasimangot ka, ha? Dapat happy ka dahil magkasama kayo ng boyfriend mo ng two days, right?” sabi ni Ivy sa akin. “Magkasama ng two days? Nope! Hindi kami magkasama ni Declan ng two days dahil nasira iyon dahil sa Rebecca na iyon!” naiinis kong sabi sa kanila. Naalala ko na naman ang inis ko sa Rebecca na iyon. Kaya nang Sunday ay todo suyo pa rin si daddy Declan sa akin, pero hindi pa rin ako nagrereply sa kanya. Nagchat nga muli siya sa akin na susunduin niya ako today. Kebers ko! Galit pa rin ako! “Sinong Rebecca?” tanong niya sa akin. “Hindi ko rin siya kilala... Naalala ko lang noong monthsarry namin, tumawag ang gagang iyon, pero pinatayan naman ni daddy Declan. Tapos, kahapon nakita ko siya in person, ha! Ang panget! Ang kapal ng makeup! Sino kaya nagturo sa

