LUMABAS na ako galing sa office room ni daddy Declan, nakita ko ang mga mukha nina kuya Jay, kuya Quentin and kuya Roey na nakatingin sa akin ngayon. “Madam Liana, bakit lumabas kayo?” gulat niyang tanong sa akin. Ngumiti ako sa kanilang tatlo. “Controversial daw po ang sasabihin ng babaeng iyon. And, I know naman na loyal sa akin ang boss niyo,” nakangiting sabi ko sa kanila at lumakad na ako papunta sa sofa—ng nakita ko roon kanina. Nakaupo lamang ako rito habang hinihintay na matapos ang pag—uusap nina Declan at ng bruhang babaeng iyon. Rebecca your ass! Sampung minuto na ang nakakalipas, hindi pa rin ba sila tapos? “Liana! Why are you here? Uuwi na ba kayo ni Declan?” Nawala ang inis sa mukha ko nang makita ko si tita Divina, napatingin ako sa bag niyang dala. “Um, opo, tita Div

