HINDI pa tumutunog ang sinet kong alarm clock ay nagising na ako. Papasok akong masaya ngayong Monday, sasabihin ko kina Amira and Ivy ang tungkol dito, maging kay daddy Declan. Paniguradong magiging happy sila sa good news na ibabalita ko. Hindi na ako mamomoblema sa kasinungalingang ginawa ko dahil ngayon ay totoong mayaman na ako. Ako ang nawawalang anak ng mga Marquez na may—ari ng MARsqueeze Softdrinks Corporation, na isa sa mga kilalang softdrinks sa buong Pilipinas. Heto ang always naming binibili ni Pauline, tapos ako pala ang may—ari nito. Malaki ang ngiti ko habang nakatayo sa harap ng malaki kong bed. Sobrang gaan ng aking pakiramdam ngayon, kumpara noong nasa bahay ako ni tita Carol, stress ang abot ko. “Miss Liana? Miss Liana, gising na po ba kayo?” Napatingin ako sa pinto

