Aliya's POV Kakahatid lang ni Cadden sakin sa school, tatlong linggo na mula nang mangyari yong public proposal niya at simula nun parang nagkaroon ng isang malaking twist ang buhay ko. Marami ng nagbago kay Cade, naging mas maalagain siya, hatid sundo niya na ako sa school, lagi niya akong pinapag-ingat dahil baka raw malaglag ang baby namin kahit wala naman talaga. Pinapatunayan niya talaga kung gaano niya ako kamahal, nakapagplano na rin kami para sa kasal. May pagkakataon rin na napapadalas ang pagtatampo ko sa kanya dahil matagal siya kung umuwi pero iniintindi ko rin dahil nagtatrabaho siya at pinapaliwanag naman niya, ayokong bigyan ng puwang ang pagdududa sa aming dalawa ngayon. Nakaupo ako sa bench habang hawak-hawak ang sing-sing na suot ko. Naaalala ko nanaman ang isang masa