Cadden's POV 'Ganito lang ba kadali ang lahat sa kanya?' Napaluhod ako sa lupa habang tinitingnan ang papaalis nilang sasakyan. Wala akong ginawa, alam ko yon... Ni hindi ko nga alam kung papano nakapasok sa bahay namin ang babaeng yon. Tumayo ako at dali-daling pumasok sa loob ng bahay nang maalalang andoon pa ang babae sa loob. Pagpasok ko nakabihis na to. Hinila ko to at idiniin sa ding-ding, nagpupumiglas siya para makawala pero mas lalo lang humihigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya, wala na akong pakialam kung babae pa siya, tanging galit lang ang nararamdaman ko ngayon. "Sino ka?!" galit kong tanong pero di to sumasagot. "Sumagot ka! Sagutin mo ko!" pamimilit ko. "Sorry... *hik* sorry talaga napag-utusan lang ako... Wala naman talagang nangyari satin... *hik* yong dugo sa