Aliya's Point of View Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa may bintana, di ko pa maaninag masyado ang paligid at medyo masakit parin ang ulo ko, napansin kong wala ako sa sariling kwarto, naalala ko ang nangyari kagabi, papunta pala dapat ako kina Ashley, pero hindi ito ang kwarto niya. Ang nakikita ko ngayo'y isang kwartong panlalaki. "Augh, may nangyari ba?" bulong ko sa sarili, nasa ibang kwarto ako. Naalarma ako nang makitang iba na ang suot kong damit at panlalaki ito. Kinapa ko ang sarili, baka sakaling may masakit sakin, pero wala naman. Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto, malaki 'to at maganda, halos lahat puti parang kwarto rin ni Cadden, malinis rin ang kwartong 'to at napaka organize. Abala sa kamamasid ang mga mata ko nang mahagip ng mata ko ang mala