Aliya's Point of View Hiningi niya ang number ko bago siya umalis. Di muna ako pumasok sa loob, inantay ko munang mawala siya sa paningin ko. Pagkapasok ko, si Cadden agad ang bumungad sakin na nakasandal sa kotse habang nakapamulsa, naka pang-opisina na at halatang inip na inip na. Parang kinakabahan ako sa uri ng tingin niya sakin pero pinilit ko paring maging casual. "San ka galing?!" malamig niyang turan. "Ba't di ka pa pumasok?" pag-iiba ko sa usapan. "Wag mong ibahin ang usapan Aliya! Answer my question, san ka galing?" tumataas na ang boses niya at ang mga tinging 'yon, ang mga tingin niyang labis kong kinakatakutan. "K-kina Ashley. Oo, kina Ashley ako galling." ayokong sabihin sa kanya kung saan talaga ako galing, dahil paniguradong magagalit siya. Magagalit siya pag nalama