MATAPOS nga naming mag-dinner ay nagbabad na kaming tatlo nila Mama at Joy sa pool. Si Lola ay nagkasya na lamang sa panonood sa amin dahil nilalamig daw siya. Nakasuot pa nga siya ng jacket at pajama. Si Dame Lei naman ay hinila ko lamang din sa tubig matapos niyang maglabas ng mga drinks at pulutan mula sa loob. Beer lang naman ang pinagpiyestahan namin. Si Joy ay tamang juice lang. Hindi pa siya pwede sa alak dahil 15 pa lang siya. Nag-enjoy kami sa paglalangoy, paghahabulan at pagkukwentuhan ng mga bagay-bagay. Pinag-usapan din naming muli ang tungkol sa nalalapit naming kasal ni Dame Lei. Maging sila Mama at Joy ay excited na rin na makapagsuot ng bonggang gown at magmartsa sa aisle. Sa Monday na kami magsisimulang mag-asikaso. Ayon kay Dame Lei, mayroon naman daw silang pinsan