LUMIPAS ang isang linggo nang pananatili ko sa mansion ng mga Delavega. Ayaw pa ring lumabas ng silid ni Dauvit kahit ano'ng pagkukumbinsi pa ang gawin ko sa kanya. Palagi lang din akong nakakulong doon. May pamumula pa rin ang mga mata niya at ayon sa kanya ay kumakati at medyo mahapdi pa rin hanggang ngayon. Pero hindi naman na daw katulad noong unang linggo, kaya laking pasasalamat ko dahil may improvement naman. Ganun talaga kapag corneal scarring, kadalasan ay inaabot ng ilang buwan—kung minsan pa nga ay isang taon bago tuluyang gumaling ang mga sugat. Depende pa yan sa kalubhaan ng peklat, uri ng pinsala, at pamamaraan ng paggamot. May mga follow up checkup pa siya sa Doctor. Doon ay susuriin ulit ang mga mata niya gamit ang mga machine. SUMAPIT ang araw ng birthday ni Mommy. Ma