CHAPTER 41: Knight

2480 Words

KINAGABIHAN ay doon ako hinila ni Dame Lei sa kwarto niya para matulog. Matutulog ba talaga? Sinabi niya na para daw masubukan namin ang tibay ng bago niyang kama. Kailangan daw naming binyagan. Ngayon nga ay inuumpisahan na naman niya akong halikan. Nakahiga na nga kami ngayon dito sa bago niyang kama. Sabay din kaming naligo kanina sa banyo niya, at doon pa lang ay kinakalkal na kaagad ng mga kamay niya ang buo kong katawan. "H-Hindi pa naman natin honeymoon, ah," anas ko sa kanya habang gumagapang na ang mga halik niya sa leeg ko. Ang mga kamay naman niya ay lumalamas na sa magkabila kong dibdib. "Kung makamukbang ka sa akin, parang honeymoon na natin." Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa doon. Naramdaman ko rin sa balat ko ang init ng hininga niya. Tumunghay siyang muli sa a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD