ALAS OTSO na ng umaga kami nakauwi ng mansion kaya isang oras akong late sa trabaho. Mabuti na lang talaga at napakabait ng amo ko. Binati din kami ng buong pamilya dahil ipinangalandakan kaagad sa kanila ni Dame Lei ang singsing ko--na engaged na kaming dalawa. Ngayon nga ay nagpaplano na ng engagement party si Tito Damien. Napakasaya nilang lahat, bukod tangi kay Nona na halatang peke ang ginawang pagbati sa akin. May pa-yakap at halik pa siya sa pisngi ko pero nag-iwan naman ng mga salitang, "magpakasaya ka lang ngayon." Bago siya lumayo sa akin at binigyan ako ng isang babalang tingin. Binigyan ko naman siya ng matamis na ngiti, "Thank you." "Ces, how can we talk to your parents? I remember you mentioned your mom is in Saudi. What about your dad?" tanong naman ni Tito Damien sa aki