PAGLABAS ni Dame Lei sa banyo ay napatitig kaagad siya sa akin at sa postura ko. Gumuhit ang napakagandang ngiti sa mga labi niya at nababasa ko ang paghanga sa kanyang mga mata. "You look even more stunning in that dress. I knew it would be perfect for you." "At magaling pumili ang boyfriend ko," sagot ko naman, na siyang mas lalong nagpalapad sa ngiti niya. "Pwede mo bang ulitin?" "Ang alin?" "Yong huli mong sinabi." "Boyfriend ko?" Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis na parang kinikilig. Kumikinang-kinang ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. "That's such a lovely thing to hear." Napangiti din ako. "Kinikilig ka ba?" "Nakakakilig." Tuluyan na akong natawa ng malakas. Lumapit naman siya sa akin. Nakatapis lamang siya ng tuwalya at tumutulo-tulo pa ang tubig sa mga balikat a