"PAANO naman nanligaw sa iyo si Sir Dame Lei? Eh, napakasuplado no'n, ah. Hindi rin siya pala-salita." Napangiti na lamang ako sa tanong ni Lani. "Ni hindi nga siya marunong ngumiti, eh. 'Di katulad ni Dauvit, na smiling face kaya mas lalong gumugwapo. Mas lalong lumalabas 'yong karisma niya. Mabait din siya at pala-bati sa mga empleyado. Malayo sa ugali ng kambal niyang 'yan." "Crush mo ba si Sir Dauvit?" panunukso ko sa kanya. "Huh?" Napansin ko ang pag-iwas niyang bigla ng tingin sa akin. "Hmm, crush mo, no?" Binigyan ko siya nang mapanuksong ngiti at tingin. "Lahat naman may crush sa kanya, sa kanilang magkakapatid!" pag-aalibi niya na halatang-halata ko naman. "Gwapo naman kasi talaga. Kahit nga sa ama nila, marami pa ring nagkakagusto kahit may edad na." "Tama ka dyan." Isan