"My vision isn’t perfect yet—still a bit hazy... But it’s more than enough to see how stunning you are." Napangiti akong bigla sa tinuran ni Dauvit. Nakahiga na siya sa kama ko habang ako naman ay nagsusuklay ng aking buhok sa harap ng salamin. Nakapagpalit na rin kami nang pantulog. Gumapang ang init sa aking mukha. Hindi ako sanay sa papuri niya, at ngayon ay naiilang na rin akong kumilos sa harapan niya dahil nakikita na niya ako. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Pinatay ko na muna ang mga ilaw sa kisame at lumapit na rin sa kanya sa kama. Alas dos na ng madaling araw at nauna na kaming umakyat dito sa taas, ganun din sila Twinnie at Dame Lei, ate Damzel at kuya Tyrone sa mga guest room nila, kasama ang baby nila. Ang mga kapatid ko at iba pa sa mga kapatid